I-claim ang iyong Instagram, Etsy o YouTube account

I-claim ang iyong Instagram, Etsy o Youtube account para ipaalam sa mga tao kung saan nila makikita ang higit pa tungkol sa iyo. Kung mayroon kang Pinterest business account, magbibigay ito sa iyo ng access sa analytics sa lahat ng Pin na na-save mula sa iyong na-claim na account. Alamin pa ang tungkol sa analytics ng na-claim na account.

Kung kini-claim mo ang isang YouTube account, maaari humingi ng pahintulot ang Pinterest para i-manage ang account. Kailangan ito para ma-access ng Pinterest ang iyong channel ID at kilalanin ang iyong mga video, pero hindi ie-edit ng Pinterest ang nilalaman ng video mo sa anumang paraan.

I-claim ang iyong account

Kung mayroong mga dati nang Pin na tumutugma sa na-claim mong Instagram, Youtube o Etsy account, dapat iugnay sa iyo ang mga Pin na iyon sa loob ng ilang araw. Ang lahat ng Pin na ginawa mula sa mga account na ito ay iuugnay sa iyo sa hinaharap. Tandaan na dapat nakapubliko ang iyong Instagram account para maiugnay namin sa iyo ang mga Pin mula sa account na iyon.

Gagamitin namin ang impormasyon ng na-claim na account para tumulong sa pamamahagi ng iyong content at bigyan ka ng karagdagang feature at content ng Pinterest.

I-unclaim ang iyong account

Hindi na ipapakita ang iyong mga account bilang naka-link sa iyong mga setting.

Tandaan: Maaari mong bawiin ang access ng Pinterest sa iyong YouTube account sa pamamagitan ng iyong Mga setting ng Google, pero hindi kaagad mawawala ang impormasyon ng account mo mula sa Pinterest maliban kung babaguhin mo rin ang mga setting ng iyong Pinterest.
 

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami