I-confirm ang email mo

Kapag nag-sign up ka para sa Pinterest, padadalhan ka namin ng email para kumpirmahin ang iyong email address. Bago mo ma-on ang two-factor authentication, kakailanganin mong kumpirmahin ang iyong email address.

I-confirm ang iyong email address

  1. Tingnan ang iyong inbox para sa email address na nauugnay sa iyong Pinterest account
  2. Hanapin ang mensahe na may subject line na "Paki-confirm ang iyong email"
  3. Buksan ang email at i-click ang I-confirm ang iyong email

Muling ipadala ang confirmation email o baguhin ang iyong email address:

  1. Pumunta sa iyong home feed, kung saan makakakita ka ng prompt na ang sinasabi ay "Psst. Huwag kalimutang i-confirm ang iyong email"
  2. Mula sa mensaheng ito, piliin ang Ipadala muli ang email o Baguhin ang iyong address
  3. Kung pinili mo ang Ipadala muli ang email at hindi pa natanggap ang email sa loob ng 24 na oras, inire-rekomenda naming baguhin ang email address sa iyong account

Kung nagkakaproblema ka sa pagkumpirma ng iyong email, subukang mag-log in mismo sa iyong serbisyo ng email sa isang browser sa halip na gumamit ng hiwalay na email program.

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami