Kung hindi namin makilala ang iyong email address, may ilang bagay na maaari mong subukan.
Humingi ng hint para sa iyong email address o i-reset ang iyong password
Pumunta sa pinterest.com/password/reset/ at hanapin ang iyong username o pangalan ng profile para makakuha ng hint para sa email address na nasa account mo. Kung kailangan mo, magagamit mo rin ang link na ito para i-reset ang iyong password kapag nahanap mo na ang iyong account.
Mag-log in gamit ang Facebook o Google
Kung nakakonekta sa Facebook o Google ang iyong account, i-click ang Magpatuloy gamit ang Facebook o Magpatuloy gamit ang Google sa halip na ilagay ang iyong email address at password.
Subukang mag-log in nang may typo
Maaaring may typo ang email address na inilagay mo noong nag-sign up ka. Subukang mag-log in gamit ang may typo na email address at ang iyong password.
Ang mga karaniwang typo ay:
- Na-type ang .con sa halip na .com
- Na-type ang .com sa halip na .net
- Paggamit ng @yahoo.com sa halip na @ymail.com
- Nakalimutan ang mga numero sa address (hal.: name [at] aol.com sa halip na name123 [at] aol.com)
- Paggamit ng username ng isang email address at ang domain ng isa pa (hal.: mayroon kang myname [at] yahoo.com at myfirstname [at] gmail.com, pero nag-sign up ka gamit ang myname [at] gmail.com)
Kung nakapag-log in ka, siguruhing i-update mo ang iyong email address para ayusin ang typo.