Protektahan ang iyong account

Mahalagang protektahan ang iyong impormasyon mula sa mga hindi kilalang pag-log in at kahina-hinalang aktibidad. Ginagawa namin ang aming makakaya para pantilihing ligtas ang iyong account, at maaari mo itong ma-secure nang higit pa gamit ang mga tip na ito.

Gumamit ng matibay na password

  • Gumamit ng mga numero at simbolo para gawing mas matibay ang iyong password
  • Gumamit ng kakaibang password para sa iyong Pinterest account
  • Panatilihing sikrekto ang iyong password - kailanman ay hindi namin hihingiin ang iyong password sa email, instant message o telepono

Tingnan kung saan ka nagla-log in

  • Ilagay lang ang password mo sa pinterest.com o sa opisyal na Pinterest, Inc. app (tandaan - libre ang aming app!)
  • Tingnan ang address bar sa iyong browser para sa pinterest.com: ang help.pinterest.com ay maganda, pero hindi ang pinterest.somethingelse.com
  • Kung hindi ka sigurado sa paglolog-in, pumunta na lang sa pinterest.com para ligtas
  • Palaging mag-ingat sa online - kailanman ay huwag sundin ang mga kahina-hinalang paghingi ng mga personal na impormasyon, kabilang ang anumang pagkakasundo na mukhang hindi kapani-paniwala

Protektahan ang iyong mga device

  • Siguruhing up-to-date ang iyong computer at browser sa pamamagitan ng mga pinakabagong update at anti-virus software. Tingnan kung up to date ang iyong browser.
  • I-install lang ang mga add-in at plug-in ng browser mula sa mga publisher na pinagkakatiwalaan mo
  • Huwag magbukas ng mga attachment o mag-install ng software mula sa isang email na sinasabing Pinterest ito

I-enable ang two-factor na pag-authenticate

Gamitin ang iyong telepono at password para sa dagdag na seguridad. I-on ang two-factor na pag-authenticate.

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami