Mag-report ng panggagaya

Hindi namin pinapayagan ang mga account na nanlilinlang o nanloloko ng iba. Maaari naming i-update, ilipat o permanenteng suspindihin ang mga account na gumagawa nito.

Kung mayroong nagpapanggap na ikaw, ipaalam sa amin.

Maaaring ibigay sa amin ang:

  • URL ng Pinterest profile na gusto mong suriin namin
  • Ang iyong tunay na Pinterest profile, kung mayroon ka nito
  • Anumang iba pang impormasyon na magagamit namin para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, tulad ng Facebook o Twitter profile

Kapag tinitingnan namin ang mga report ng panggagaya, sinisigurado namin kung ang profile ay talagang nagpapanggap bilang ibang tao. Titingnan namin ang impormasyon ng profile, mga paglalarawan ng Pin, mga komento at mga pamagat ng board.

Minsan maaaring pareho lang ang pangalan sa iyo ng user o may katulad kayo na username, at marahil hindi ka ginagaya. Kung ganoon ang nangyari, ang account na iyon ay hindi lumalabag sa aming Patakaran sa Tinatanggap na Paggamit.

Maaari ka rin mag-report ng mga profile na nanggagaya ng mga kilalang pampublikong personalidad gamit ang parehong prosesong ito.

Kung kinakatawan mo ang isang kumpanya, board o organisasyon at gusto mong mag-claim ng username o mag-report ng nilalaman para sa mga dahilan na may kaugnayan sa trademark, tingnan ang aming Trademark page.

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami