Account security at hacked accounts

Top priority namin dito sa Pinterest ang account security. Anong maitutulong namin sa 'yo?

May nakikita kang boards o Pins na hindi mo naman dinagdag
May natanggap kang email tungkol sa pagbabagong hindi mo naman ginawa
Nasa safe mode ka
Tips para manatiling secure ang account mo

Posibleng may ibang gumamit ng account mo.

Kailangan mon palitan ang 'yong password para maging secure ang 'yong account. 

Kapag nabago mo na ang password mo, makakapag-delete ka ng Pins o boards na nadagdag sa 'yong account. Pasensya na, pero hindi namin mare-restore ang mga na-delete nang boards o Pins. 

Mag-eemail kami kapag binago mo ang email, username o password mo.

Sasabihin din namin kung nag-log in ka sa isang computer o lugar na hindi namin kilala (hal: kung nag-log in ka habang bumibiyahe). 

Kung hindi mo 'to ginawa, posibleng may ibang nakapasok sa account mo. Kailangan mong i-lock ang 'yong account para maprotektahan ang 'yong Pins at i-reset ang 'yong password:

  1. Sa ipinadala namin sa 'yong email, mag-click sa I-lock ang Account ko
  2. I-reset ang 'yong password

Kailangan mo lang i-reset ang 'yong password.

Tingnan ang aming safe mode help article para sa higit pang info. 

Pumili ng password na mahirap mahulaan 

  1. Pumili ng isa na mayroong mga simbolo at/o mga numero
  2. Gumamit ng unique password sa Pinterest - huwag gumamit ng pare-parehong password sa lahat ng sites
  3. Huwag ipaalam sa iba ang 'yong password - hindi namin hihilingin ang password mo sa email, instant message o sa phone

Tingnan kung saan ka nagla-log gin

  1. Ilagay lang ang password mo sa pinterest.com o sa aming official Pinterest, Inc. mobile app (tandaan na free ang apps namin!)
  2. Tingnan ang address bar mo para sa pinterest.com: help.pinterest.com at m.pinterest.com ay okay, pero ang pinterest.somethingelse.com ay hindi
  3. Kung sakaling hindi ka sigurado kung magla-log in, pumunta sa https://pinterest.com para maging ligtas 
  4. Mag-ingat kapag online ka - huwag basta ibigay ang personal na impormasyon, lalo na sa anumang alok na parang hindi naman totoo

Protektahan ang 'yong devices 

  1. Siguraduhing up-to-date ang 'yong computer at browsers ng pinakabagong updates at anti-virus software
  2. Mag-install lang ng browser add-ins o plug-ins mula sa publishers na pinagkakatiwalaan mo
  3. Huwag magbukas ng attachments o mag-install ng software galing sa isang email na mukhang galing sa Pinterest - hindi ka namin hihilinging mag-download o mag-open ng files sa isang email

Alamin ang mga panganib ng paggamit ng unsecured Wi-Fi

  1. Ang Pinterest ay gumagamit ng dagdag na pag-iingat sa seguridad (HTTPS: Hypertext Transfer Protocol Secure) sa mga page sa pag-log in at mga setting. Ini-encrypt nito ang mga kredensyal na ginagamit mo para mag-log in sa Pinterest at idinisenyo para pigilan ang iba mula sa pagnanakaw ng iyong mga kredensyal sa pag-log in, kahit na sa hindi secure na network.
  2. Kapag gumagamit ka ng unsecured Wi-Fi network ('yong hindi kailangan ng password), halimbawa sa coffee shops o airports, posibleng makita ng isang tao ang karamihan ng internet traffic na galing o papunta sa device mo. Kasama dito ang 'yong Pins (maging ang secret Pins).    
  3. Para maiwasan ang panganib ng paggamit ng public Wi-Fi, basahin ang artikulong ito mula sa National Cyber Security Alliance.

Mga may kaugnayang article