Para tulungan ang mga advertiser at iba pang partner ang bisa ng kanilang mga ad at mga Pin sa Pinterest, nagpapakita kami sa kanila ng reporting ng performance ng mga ad na kasama ang impormasyon ng pangkalahatang demograpiko at interes tungkol sa mga taong nakikita ang kanilang mga ad at kung ano ang performance ng kanilang mga ad. Maaari rin naming isama ang reporting na ito sa impormasyon na ipinapasa nila tungkol sa aktibidad mo mula sa mga website, app at store. Tinutulungan sila nitong mas maintindihan kung paano humahantong ang mga Pinterest ad sa mga bagay na tulad ng mga pagbili at pag-sign up.
Para tulungan ang mga advertiser na gumawa ng kanilang sariling pagsukat sa performance ng mga ad, maaari rin kaming magbigay sa kanila ng impormasyon na konektado sa iyong mga Pinterest ad na tiningnan mo na isinasama nila sa iyong aktibidad mula sa kanilang mga website, app at store. Kung ayaw mong ibahagi namin ang impormasyon sa aming mga partner sa paraang ito, puwede mong ayusin ang iyong mga pinili anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta
Puwede mo ring