I-block ang isang Pinterest profile para mapigilan ang isang tao mula sa pag-follow sa iyo, pagpapadala ng mensahe o pakikipag-ugnayan sa mga Pin mo.
Walang makakatanggap ng notification na na-block o in-unblock mo sila. Aalertuhan lang sila kung susubukan nilang i-follow ka o makipag-ugnayan sa iyong mga Pin.
Ang mga taong iba-block mo ay lalabas pa rin sa paghahanap, mga feed at board ng grupo. Mananatili sa profile mo ang mga Pin na na-save mo mula sa mga ito. Kakailanganin mong isa-isang alisin ang mga Pin na iyon.
Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa isa pang tao ay hahantong sa pangbu-bully o pangha-harass, sundin ang aming