Hindi makapag-log in sa Pinterest

Kung nagkakaproblema ka sa pag-access ng iyong account, sundin ang mga hakbang na ito: 

  1. Pumunta sa pinterest.com/logout para siguruhing naka-log out ka
  2. Pumunta sa pinterest.com/password/reset at hanapin ang iyong account
  3. I-click ang "Magpadala ng email sa pag-reset ng password"
  4. Tingnan ang email account na ginagamit mo sa Pinterest para sa email sa pag-reset ng password
  5. Sundin ang mga hakbang sa email para i-reset ang iyong password
  6. Mag-log in sa Pinterest gamit ang bago mong password

Mga mabilisang tip

Nagla-log in sa bagong device? 

Kung naka-log in ka pa rin sa isa pang device, maaari mong palitan ang iyong email o password mula sa device na iyon.

Hindi sinasadyang gumawa ng bagong account 

Gamitin ang mga hakbang na nasa itaas para mag-log out sa Pinterest, hanapin ang tamang account, at i-reset ang iyong password.

Nakalimutan ang iyong Pinterest email 

Siguruhing naka-log out ka. Pagkatapos, pumunta sa pinterest.com/password/reset at hanapin ang mga email address na maaaring ginamit mo.

Safe Mode 

Kung nasa safe mode ang account mo, mag-log out sa Pinterest at i-reset ang iyong password.

Puntahan ang aming article sa Problema sa pag-log in para sa higit pang mga tip.