Ang Pinterest app para sa iOS ay kailangan ng mga pahintulot. Kapag na-install ang app, hihilingin namin sa iyo ng bigyan ng mga pahintulot ang app bago gumawa ng mga aksyon ang app. Pinapayagan ka ng mga pahintulot na ito na mas madaling gamitin ang Pinterest app.

Puwede mong kontrolin kung saan may accesss ang Pinterest sa mga setting ng iyong device, at pagkatapos ay mag-scroll pababa para piliin ang Pinterest para buksan ang mga setting ng app.

Depende sa (mga) pahintulot na ibibigay mo, magkakaroon ng access ang Pinterest app sa iyong:

  • Lokasyon para puwedeng magbigay ang Pinterest ng mas magandang karanasan sa pagpapakita ng mga mas may kaugnayang ad
  • Mga Litrato para puwede kang mag-upload ng mga larawan at video mula sa iyong photo library para gumawa ng mg Pin
  • Local Network para puwede kang kumonekta sa internet network sa paligid mo para gamitin ang Pinterest app
  • Mikropono para puwede mong gamitin ang iyong mikropono para mag-record ng audio kapag gagamitin mo ang iyong camera para gumawa ng mga Pin
  • Camera para makakuha ka ng litrato o video at gumawa ng mga Pin o tumuklas ng mga ideya hango sa anumang bagay kung saan mo itatapat ang iyong camera gamit ang Lens
  • Siri at Paghahanap para paganahin si Siri para malaman kung paano mo ginagamit ang Pinterest para magmungkahi sa iyong mga app at payagan ang mga mungkahi at nilalaman mula sa Pinterest para lumabas sa iyong Home Screen, sa Paghahanap at sa Look Up
  • Mga notification para mapadalhan ka ng app ng mga push notification tungkol sa iyong aktibidad sa Pinterest
  • Cellular Data para makakoneta ka sa network ng cellular phone kapag hindi ka malapit sa internet network para gamitin ang Pinterest app
  • End of Other articles Links
    Kailangan pa rin ng tulong? Kontakin kami
    User feedback
    Nakatulong ba ang article na ito?

    collection_fields

    Paano namin mapapaganda ang article na ito?