Pinterest Analytics

Tinutulungan ka ngPinterest Analytics na maintindihan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa nilalaman mula sa iyong site at mga Pin mula sa iyong profile. 

Para makakuha ng Pinterest Analytics, kakailanganin mo muna ng account ng negosyo. Kung gumagamit ka na ng personal na Pinterest account para sa iyong negosyo, madali mo itong mapapalitan ng isang account ng negosyo.

Kapag mayroon ka nang account ng negosyo, mahahanap mo ang Pinterest Analytics sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong profile, pag-click sa gear na menu o sa pag-click sa  Analytics.
 
Alamin kung paano gagawing aksyon ang mga impormasyon sa Pinterest Analytics gamit ang amingGabay sa Analytics.
 
Mayroong tatlong uri ng analytics, na may kasamang metrics tungkol sa iyong:
  1. Pinterest profile
  2. Mga taong naaabot mo
  3. Website (para makakuha ng analytics para sa iyong website, kakailanganin mong kumpirmahin ito)