I-verify ang website mo

Ang pag-verify ng 'yong website ay nagbibigay ng impormasyon sa mga tao sa Pinterest na ikaw ang may-ari nito. Upang mag-verify, kailangan mong i-edit ang HTML code ng 'yong website. Matapos mong ma-verify ang 'yong website, may makikita kang checkmark sa tabi ng pangalan mo sa 'yong profile at sa search results, at makakakuha ng access sa 'yong analytics.

May dalawang paraan para mag-verify: gamit ang meta tag o sa pamamagitan ng pag-uload ng isang HTML file.


Mag-verify gamit ang meta tag


 

Kunin ang meta tag

  1. Mag-click sa pangalan mo sa itaas ng Pinterest
  2. Mag-click sa I-edit ang profile
  3. Idagdag ang website mo at mag-click sa I-verify ang Website
  4. Mag-click sa I-verify gamit ang meta tag

Idagdag 'to sa 'yong website

  1. Kopyahin ang meta tag galing sa verification box
  2. Idagdag 'to sa <head> section ng index.html file ng 'yong website bago ang <body> section

Tapusin ang pag-verify

  1. Bumalik sa Pinterest
  2. Mag-click sa Tapusin ang Verification (titingnan namin agad ang meta tag at mave-verify ang 'yong site)

Mag-verify sa pamamagitan ng pag-upload ng isang HTML file

Kunin ang file

  1. Mag-click sa pangalan mo sa itaas ng Pinterest 
  2. Mag-click sa I-edit ang profile
  3. Idagdag ang website mo at mag-click sa I-verify ang Website
  4. Mag-click sa I-download ang Verification File

I-upload ito sa server ng 'yong website

I-upload ang HTML file na 'to sa 'yong web server sa root folder (huwag i-upload sa isang subfolder o hindi namin ito maa-access). Iba-iba ang mga pangalan ng root folder, depende sa provider - madalas public_html, www, o wwwroot.

Siguraduhing hindi mo na-rename ang file nang in-upload mo ito sa 'yong server dahil hahanapin namin ang eksaktong katugmang pangalan. Halimbawa, kung na-download mo ang pinterest-9d541.html, hindi namin 'to makikilala kung in-upload mo ito sa ibang pangalan, halimbawa, pinterest-9d541-1.html.

Tapusin ang pag-verify

  1. Bumalik sa Pinterest
  2. Mag-click sa Complete Verification (titingnan namin agad ang HTML file at ibe-verify ang 'yong site)

Kumuha ng instructions mula sa sikat na hosts

Big Commerce Big Commerce
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
 
Alamin ang higit pa sa Big Commerce's help center.

Blogspot Blogspot
Kailangan mong mag-verify gamit ang isang meta tag:
  1. Kopyahin ang 'yong meta tag mula sa Pinterest
  2. Mag-sign in sa Blogger at piliin ang Template sa kaliwang menu
  3. Piliin ang Edit HTML ang mag-click sa Proceed sa susunod na screen
  4. Hanapin ang <head> sa loob ng 'yong HTML at i-paste ang meta tag sa ilalim nito
  5. I-save ang template
  6. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Kumpletuhin ang Verification

Bluehost Bluehost
Para sa verification, mag-upload ng isang HTML file:
  1. Mag-log in sa 'yong cPanel sa BlueHost.
  2. Hanapin ang File Manager icon sa ilalim ng Files
  3. Sa pop-up, piliin ang Web Root (public_html/www) at lagyan ng check ang box katabi ng Ipakita ang Hidden Files (dotfiles). Dadalhin ka nito sa folder para sa 'yong web content at ipapakita sa 'yo ang lahat ng files at folders na naroroon. Kung walang pop-up box, mag-click lang sa i-reset ang lahat ng interface settings sa pinaka-ibaba ng 'yong cPanel.
  4. Maglo-load sa bagong window ang File Manager at ipapakita nito ang files mo. Mag-double click sa isang folder para buksan 'to at mag-click sa Up One Level para bumalik nang isang folder.
  5. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Kumpletuhin ang Verification

Alamin pa sa Bluehost's help center


FatCow FatCow
Para maka-verify, mag-upload ng isang HTML file:
 
Alamin kung paano sa FatCow's help center.
 

GoDaddy GoDaddy
Para sa verification, mag-upload ng isang HTML file:
  1. I-download ang HTML file mula sa Pinterest
  2. Mag-log in sa 'yong GoDaddy Account Manager
  3. Mag-click sa Web Hosting at mag-upload gamit ang file manager
  4. Bumalik sa pinterest.com/website/verifyat mag-click sa Tapusin ang Verification

Alamin kung paano sa help center ng GoDaddy


Goodsie Goodsie
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag. 
 
Alamin kung paano sa help center ng Goodsie

Hostgator Hostgator
Para sa verification, mag-upload ng isang HTML file:
  1. I-download ang HTML file mula sa Pinterest
  2. Mag-log in sa cPanel at mag-click sa File Manager sa ilalim ng Files
  3. Piliin ang Web Root at Show Hidden Files at mag-click sa Go
  4. Mag-click para buksan ang folder kung saan mo gustong i-upload ang files
  5. Mag-click sa I-upload mula sa toolbar sa itaas
  6. Mag-click sa Browse (may ilang browser na Choose File ang makikita)
  7. Hanapin ang HTML file na na-download mo mula sa Pinterest
  8. Bumalik sa pinterest.com/website/verifyat mag-click sa Tapusin ang Verification

Alamin pa sa help center ng Hostgator


HostMetro HostMetro
Para maka-verify, mag-upload ng isang HTML file:
 
See more in this HostMetro video

iPage iPage
Para maka-verify, mag-upload ng isang HTML file:
 
Alamin kung paano sa help center ng iPage
 

Prestashop Prestashop
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
 
Alamin kung paano sa Designhaus 42

StoreEnvy StoreEnvy
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
 
Alamin kung paano sa help center ng StoreEnvy.

Shopify Shopify
Para sa verification, mag-upload ng isang HTML file:
  1. I-download ang HTML file mula sa Pinterest
  2. Mag-log in sa 'yong Shopify account at mag-click sa Account
  3. Mag-scroll down sa Mga Na-upload na File at mag-click upang ipakita ang mga na-upload na file
  4. I-upload ang HTML file
  5. Piliin ang pamagat ng verification file at kopyahin ang URL
  6. Pumunta sa navigation at mag-click sa Magdagdag ng URL redirect
  7. I-edit ang lumang path mula sa /pinterest-96bfa.html (at ang /)
  8. Magdagdag ng bagong path na kinopya mo sa step 5 at i-save
  9. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at  mag-click sa Tapusin ang Verification

Alamin pa sa forums ng Shopify


Squarespace Squarespace

Kailangan mong mag-verify gamit ang isang meta tag:

  1. Kopyahin ang iyong meta tag
  2. Mag-log in sa Squarespace at magpunta sa Website management
  3. Pumunta sa Website settings sa ilalim ng Structure category
  4. Mag-click sa Code injection sa navigation bar
  5. Sa ilalim ng Code Injection Points (Advanced), piliin ang Extra Header Code
  6. I-paste ang meta tag sa text box at mag-click sa I-update ang Impormasyon
  7. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Tapusin ang Verification

Tumblr Tumblr

Maaari kang mag-verify gamit ang meta tag o sa pamamagitan ng pag-uload ng isang HTML file.

Para mag-verify gamit ang meta tag

  1. Kopyahin ang meta tag mula sa Pinterest
  2. Mag-sign in sa Tumblr at pumunta sa settings page ng 'yong blog (http://www.tumblr.com/blog/yourblogname/settings)
  3. Mag-click sa I-customize
  4. Mag-click sa I-edit ang HTML mula sa menu sa kaliwa
  5. Hanapin ang <head> sa loob ng iyong HTML at i-paste ang meta tag sa ilalim nito pero bago ang <body>
  6. Gamitin ang Appearance back button para bumalik sa theme editor menu, pagkatapos, mag-click sa Save
  7. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Tapusin ang Verification

Para mag-verify sa pamamagitan ng pag-upload ng isang HTML file

  1. I-download ang HTML file mula sa Pinterest
  2. Mag-sign in sa Tumblr at sa settings page ng 'yong blog (http://www.tumblr.com/blog/yourblogname/settings)
  3. Mag-click sa I-customize
  4. Mag-scroll down sa ilalim ng Appearance section at mag-click sa Magdagdag ng Page
  5. Sa drop-down menu, baguhin ang page mula Standard Layout at gawin itong Custom Layout
  6. Sa unang field, idagdag ang Page URL extension (tutugma ito sa pangalan ng html file na na-download mula sa Pinterest. Halimbawa, "pinterest-xxxx.html")
  7. Huwag pillin ang Ipakita ang link sa pahinang ito
  8. I-paste ang Pinterest HTML verification code sa Custom HTML block at Save Page
  9. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Kumpletuhin ang Verification

Weebly Weebly
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
 
Learn more at Weebly support
 

Wix.com Wix.com
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
  1. Kopyahin ang meta tag mula sa Pinterest
  2. Mag-log in sa 'yong Wix, buksan ang Wix Editor, mag-click sa Settings (ang gear icon) at mag-click sa SEO (Google)
  3. Mag-click sa Advanced SEO Settings  
  4. Sa ilalim ng Header Code Meta Tags, i-paste ang meta tag at mag-click sa I-apply
  5. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Kumpletuhin ang Verification

Alamin pa sa Wix Answers


Wordpress Wordpress
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
  1. Kopyahin ang meta tag mula sa Pinterest
  2. Pumunta sa 'yong Wordpress blog dashboard
  3. Buksan ang Tools -> Available Tools Page at i-paste ang meta tag sa Pinterest Site Verification field 
  4. Mag-click sa Save Changes
  5. Bumalik sa pinterest.com/website/verify at mag-click sa Kumpletuhin ang Verification

Alamin pa sa Wordpress help center.


Zenfolio Zenfolio
Kailangan mong mag-verify gamit ang meta tag.
 
Alamin kung paano sa help center ng Zenfolio.
 

Mga karaniwang tanong

Bakit hindi ko ma-verify ang website ko?
Puwede ko bang alisin ang HTML file pagkatapos mag-verify?
Puwede ba akong mag-verify ng website sa maraming account?
Puwede ba akong magdagdag ng maraming websites sa account ko?
Sa ngayon, puwede ka lang mag-verify ng isang top-level domain tulad ng www.example.com.
 
Kung ganito ang hitsura ng website mo: www.example.com/example, hindi ito isang top-level domain.
 
Ang HTML file upload at HTML meta tags ang mga tanging paraan upang i-verify ang websites sa Pinterest. Hindi pinahihintulutan ng Etsy, Moonfruit, ArtFire, at drag-and-drop web builders ang verifications na 'to kaya kung gumagamit ka ng isa sa websites na 'to, hindi ka makakapag-verify ngayon.
 
Tinitingnan namin ang ilang paraan kung paano mag-verify at umaasa kaming magkaroon ng mas marami pang options sa hinaharap. Kung may suggestions ka, sabihan kami!  

Oo, 'pag na-verify mo na ang 'yong website, puwede mo nang alisin ang file o tag.

Tandaan na ang pagbabago sa 'yong website sa 'yong Pinterest settings ay nangangahulugang mawawala mo ang verification at kailangan mo uling mag-verify.

Hindi, puwede mo lang i-verify ang isang website sa isang Pinterest account.

Kung ang website mo ay na-verify na sa ibang Pinterest account at gusto mo 'tong i-verify sa iba, kailangan mo munang alisin ang website mo mula sa unang account. 

Pagkatapos, kailangan mo uling gawin ang verification steps para ma-verify ang 'yong website sa bagong Pinterest account.

Sa ngayon, isang website lang ang puwede sa profile mo, at isang website lang ang puwedeng i-verify sa bawat isang Pinterest account.

Mga may kaugnayang article