Sa pagsisimula ng Abril, ni-launch namin ang Business Access, isang bagong paraan para madaling ma-manage ang mga tao at partner na gumagawa sa iyong mga Pinterest ad account. Simula Hulyo 14, 2021, ang Business Access lang ang magiging tanging lugar para ma-manage ang mga pahintulot sa iyong ad account.
Sa Business Access, magagawa mong:
Kung gumagamit ka sa ngayon ng mga pahintulot sa maraming user para magbahagi ng access sa iyong ad account at hindi nagsimulang gumamit ng Business Access bago sumapit ang Hulyo 14, ililipat ang iyong mga pahintulot sa Business Access para sa iyo.
Para mapaghandaan ang pagbabagong ito, puwedeng ikaw mismo ang mag-set up ng Business Access o hayaan mo kaming ilipat ang mga dati mong pahintulot sa ad account.
Ganap na kontrolin ang iyong set-up ng Business Access sa pamamagitan ng pagdagdag sa iyong mga empleyado at mga partner at pagtatalaga ng mga ad account. Magdagdag ng kahit isang empleyado o partner sa Business Access bago ang Hulyo 14, 2021.
Alamin kung paano
Awtomatiko naming ililipat sa Business Access ang mga dati nang pahintulot sa ad account para sa iyo sa pagitan ng Hulyo 14 at Hulyo 26 kung hindi mo pa naidagdag ang mga empleyado o partner sa Business Access bago sumapit iyon. Ang mga dati nang user na binigyan mo ng mga pahintulot ay idaragdag sa Business Access bilang mga empleyado gamit ang parehong mga pahintulot sa ad account.
Tandaan: Kung ikaw ang tatanggap ng mga pahintulot sa maraming user ngayon, ang may-ari ng ad account ang magiging responsable sa mano-manong pagdagdag sa iyo sa kanyang Business Access o kaya awtomatikong ililipat ang iyong mga pahintulot, gaya ng idinetalye sa itaas.
Alamin kung paano