Mukhang tinitingnan mo ang article na ito mula sa rehiyon kung saan hindi available ang mga detalye ng merchant. Tingnan kung saan available sa mga account ng negosyo sa Pinterest. Alamin pa

Para sa mga kwalipikadong na-verify na merchant, lalabas ang mga detalye ng merchant sa iyong profile sa ibaba ng pangalan ng iyong negosyo at pahihintulutan ang mga tao sa Pinterest na malaman ang mga pagpapahalaga ng brand at mga community na kinakatawan mo. Ang mga detalye ng merchant na lumalabas sa iyong profile ay naglalayong bigyang-diin ang pinaninindigan mo pagdating sa negosyo o ang mga grupo kung saan pinatatakbo ang iyong negosyo, tulad ng makakalikasan o pagmamay-ari ng babae.

Ang mga pagpapahalaga ng brand at mga community na ipinapakita sa iyong profile ay pinipili para sa iyong negosyo pagkatapos mong idagdag ang impormasyon ng community sa iyong profile, at susuriin ng miyembro ng aming team ang iyong website. Kapag natapos na ang pagsusuri, magpi-feature ang iyong profile ng hanggang tatlo sa mga pagpapahalaga ng brand o mga community na ito bilang mga badge sa profile mo at puwede mong palitan ang kulay ng mga ito para umakma sa iyong brand. Tandaan na maipapakita mo lang ang mga pagpapahalaga ng brand na inaprubahan ng aming team.

Kung interesado kang magdagdag ng mga detalye ng merchant sa iyong profile, Mag-apply sa Programa ng Na-verify na Merchant at Magdagdag ng impormasyon ng community kung naaangkop.

Kung mapansin mong mali ang mga detalye ng merchant sa iyong profile, o kung gusto mong mag-report ng mga maling detalye ng merchant sa profile ng iba, kontakin kami.

Mga pagpapahalaga ng brand

Ang mga pagpapahalaga ng brand ay mga katangian na tinutuluran o pinaninindigan ng iyong brand. May limang pagpapahalaga ng brand sa Pinterest:

Maka-kalikasan: Pino-promote mo ang sustainability sa kalikasan at/o gumagamit ng mga na-upcycle o ni-recycle na mga materyal

Inclusive: Pino-promote mo ang paggawa at pagma-market ng mga produkto para sa malawak na hanay ng mga uri ng katawan, edad at/o mga etnisidad

Nakatuon sa mabuti: Pino-promote mo ang mapagkawanggawa na pagbibigay bilang prayoridad at/o ikaw ay nakarehistro bilang B Corporation (mga negosyong nakakatugon sa mga pinakamataas na pamantayan ng panlipunan at pangkapaligirang performance)

Personal touch: Pino-promote mo ang artisanal, gawang-kamay na mga produkto at/o makabagong pamimili at mga opsyon sa paghahatid

Responsableng nagso-source: Pino-promote mo ang etikal na mga kasanayan o malinaw na mga proseso ng pagma-manufacture, mga listahan ng sangkap at/o sertipikado sa fair-trade

Mga Community

Ang mga community ay under-represented na mga grupo sa Pinterest na puwedeng kabilangan ng negosyo bilang kumakatawan kung ang kahit 51% ng negosyo ay pagmamay-ari ng isang under-represented na grupo. Kung naidagdag mo na ang impormasyon ng iyong community sa profile mo, maaari ring i-highlight ang iyong community bilang badge sa profile mo.

May pitong community sa Pinterest:

  • Pagmamay-ari ng Black
  • Pagmamay-ari Latinx
  • Pagmamay-ari ng API
  • Pagmamay-ari ng indigenous
  • Pagmamay-ari ng babae
  • Pagmamay-ari ng LGBTQ+
  • Pagmamay-ari ng may kapansanan
  • I-edit ang mga detalye ng merchant sa iyong profile
  • Mag-log in sa iyong account ng negosyo sa Pinterest
  • I-click ang iyong litrato sa profile sa kanang itaas sa sulok ng iyong screen para buksan ang profile mo
  • I-click ang  the edit icon sa tabi ng mga badge sa ibaba ng pangalan ng iyong negosyo
  • Pumili ng hanggang tatlo sa mga opsyon ng badge sa ibaba ng I-edit ang mga detalye ng merchant
  • I-click ang  the directional chevron down icon sa ibaba ng Pumili ng kulay ng iyong brand para pumili ng kulay para sa iyong mga badge
  • I-click ang I-save
  • Sa ngayon, puwede ka lang maglagay ng mga detalye ng merchant sa iyong desktop device.

    Sa ngayon, puwede ka lang maglagay ng mga detalye ng merchant sa iyong desktop device.

    Alisin ang mga detalye ng merchant sa iyong profile
  • Mag-log in sa iyong account ng negosyo sa Pinterest
  • I-click ang iyong litrato sa profile sa kanang itaas sa sulok ng iyong screen para buksan ang profile mo
  • I-click ang  the edit icon sa tabi ng mga badge sa ibaba ng pangalan ng iyong negosyo
  • I-uncheck ang mga kahon sa tabi ng mga pagpapahalaga ng brand o mga community na gusto mong alisin sa ibaba ng I-edit ang mga detalye ng merchant 
  • I-click ang I-save
  • Sa ngayon, puwede mo lang alisin ang mga detalye ng merchant sa iyong desktop device.

    Sa ngayon, puwede mo lang alisin ang mga detalye ng merchant sa iyong desktop device.

    End of Other articles Links
    User feedback
    Nakatulong ba ang article na ito?

    collection_fields

    Paano namin mapapaganda ang article na ito?