Para pamahalaan ang iyong pagsingil sa Pinterest, i-update ang impormasyon ng negosyo mo (kasama ang pangalan at address) o magdagdag o mag-alis ng credit card.
I-update ang impormasyon ng iyong negosyo
- Mag-log in sa iyong account ng negosyo sa Pinterest
- I-click ang Mga Ad sa itaas ng screen, pagkatapos ay piliin ang Pagsingil
- Piliin ang Mga setting ng pagbabayad sa kaliwang bahagi ng navigation
- I-click ang Impormasyon ng negosyo
- I-update ang pangalan at address ng iyong negosyo (Ang mga advertiser na taga-Europe ay kakailanganin ding magdagdag ng VAT ID)
- I-click ang I-save
Kapag naidagdag mo ang pangalan at address ng iyong negosyo, maidaragdag mo ang mga detalye ng iyong pagbabayad
Idagdag ang impormasyon ng iyong pagbabayad
- Mag-log in sa iyong account ng negosyo sa Pinterest
- I-click ang Mga Ad sa itaas ng screen, pagkatapos ay piliin ang Pagsingil
- Piliin ang Mga setting ng pagbabayad sa kaliwang bahagi ng navigation
- I-click ang Impormasyon sa pagsingil
- Ilagay ang iyong address sa pagsingil at impormasyon ng bagong credit card
- I-click ang I-save
Kapag nagdagdag ka o nag-update ng iyong impormasyon sa pagbabayad, maaari naming pahintulutan ang isang maliit na pansamantalang transaksyon para i-verify ang iyong paraan ng pagbabayad. Pakitandaan ang aming listahan ng mga tinatanggap na pagbabayad.
Alisin ang impormasyon ng iyong pagbabayad
Para i-delete ang iyong impormasyon ng pagbabayad, kontakin ang aming support team. Hindi mo made-delete ang impormasyon ng iyong pagbabayad kung mayroon kang hindi pa nababayarang balanse sa iyong advertiser account. Inirerekomenda naming maghintay ng kahit isang buwan simula ng huling paggastos ng iyong ad bago alisin ang impormasyon ng iyong pagbabayad. Para makita ang iyong kasalukuyang history ng pagsingil.
- Mag-log in sa iyong account ng negosyo sa Pinterest
- I-click ang Mga Ad sa itaas ng screen, pagkatapos ay piliin ang Pagsingil
- Piliin ang History ng pagsingil sa kaliwang bahagi ng navigation