Pumili ng layunin ng campaign

Mukhang tinitingnan ito mula sa rehiyon kung saan hindi pa available ang mga Ad. Tingnan kung saan available ang mga Ad sa mga Pinterest Business account.

Alamin pa

Tinutukoy ng layunin ng iyong campaign kung paano ka mag-bid sa ad auction at kung anong mga format ng ad ang available para i-promote. Piliin ang layunin ng campaign na pinakamagandang nagpapakita sa mga layunin ng iyong negosyo.

Kamalayan sa brand

Paano ito gumagana: Tulungan ang mga tao na matuklasan ang iyong brand, mga produkto o iba pang mga serbisyo.
Paano mag-bid: Mag-set ng maximum na CPM bid, o ang maximum na handa mong bayaran para sa bawat 1,000 impression na ipapakita ng iyong ad.

Alamin kung paano mag-set up ng isang campaign.

Panonood ng video

Paano ang proseso nito: I-optimize ang kalidad ng mga panonood, karaniwang tagal ng panonood at mga rate ng pagkumpleto para sa mga taong malamang na panoorin ang iyong video.
Paano mag-bid: Mag-set ng maximum na CPV bid, o ang maximum na handa mong bayaran kada panonood kapag pinapanood ng mga tao ang iyong video nang 2 segundo o higit pa.

Alamin pa ang tungkol sa mga video campaign.

Traffic

Paano ang proseso nito: Dagdagan ang bilang ng mga pagbisita sa iyong website.
Paano mag-bid: Piliin ang Awtomatiko para i-manage ng Pinterest ang iyong mga bid, o piliin ang Custom at mag-set ng maximum na cost per click (CPC) na handa mong bayaran kapag mag-click ang mga tao sa iyong ad para bisitahin ang iyong website.

Alamin pa ang tungkol sa mga traffic campaign.

Conversions

Paano ang proseso nito: Hikayatin ang mga tao na gumawa ng aksyon tulad ng pag-checkout, mag-sign up, o ilagay sa cart sa iyong website.
Paano mag-bid: Piliin ang Awtomatiko para i-manage ng Pinterest ang iyong mga bid, o piliin ang Custom at mag-set ng iyong budget at i-target ang karaniwang cost per action (CPA) na handa mong bayaran kapag mag-click ang mga tao sa iyong ad para bisitahin ang iyong website.

Alamin pa ang tungkol sa mga campaign ng mga Conversion.

Mga Catalog sa Pamimili

Paano ito gumagana: Tulungan ang mga tao na matuklasan ang iyong mga produkto o serbisyo habang naghahanap ng inspirasyon sa Pinterest.
Paano mag-bid: Mag-set ng maximum cost per click (CPC) o mag-set ng oCPM bid, ang naka-optimize na maximum na handa mong bayaran para sa bawat 1,000 impression na ipapakita ng iyong ad. Kapag nag-set ka ng oCPM bid, ise-set mo rin ang iyong target na cost per action (CPA).

Alamin pa ang tungkol sa mga Shopping campaign.

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami