I-claim ang iyong website

I-claim ang iyong website para makakuha ng access sa analytics ng website at ipaalam sa mga tao kung saan nila mahahanap ang higit pa sa iyong content. Lalabas ang iyong litrato sa profile sa tabi ng anumang Pin na magmumula sa iyong site, at may lalabas na icon ng globo sa tabi ng iyong website URL sa profile mo.

Para i-claim ang iyong website, kakailanganin mong magdagdag ng isang meta tag o mag-upload ng HTML file sa HTML code ng iyong website. Pwede kang mag-claim ng isang website sa iyong profile at maaari lang ma-claim ang website ng isang Pinterest account.

Alamin kung paano iki-claim ang iyong Instagram, Etsy o YouTube na mga account.

Magdagdag ng meta tag sa iyong website

  1. Mag-log in sa Pinterest mula sa isang web browser at i-click ang   upang buksan ang iyong menu
  2. Piliin ang Mga Setting
  3. I-click ang I-claim
  4. Sa seksyong “I-claim ang website”, ilagay ang URL ng iyong website at i-click ang I-claim 
  5. Piliin ang "Magdagdag ng tag ng HTML"
  6. Kopyahin ang tag at i-click ang Susunod
  7. Pumunta sa index.html file ng iyong website at idagdag ang tag ng <head> na seksyon bago ang <body> na seksyon
  8. Bumalik sa Pinterest at i-click ang I-submit
  9. I-click ang Tapos na

Mag-upload ng HTML file sa iyong website

  1. Mag-log in sa Pinterest mula sa isang web browser at i-click ang   upang buksan ang iyong menu
  2. Piliin ang Mga Setting
  3. I-click ang I-claim
  4. Sa seksyong “I-claim ang website”, ilagay ang URL ng iyong website at i-click ang I-claim 
  5. Piliin ang "Magdagdag ng tag ng HTML"
  6. I-click ang I-download pagkatapos i-click ang Susunod
  7. I-upload ang HTML file sa iyong web server sa root folder - kung mag-upload ka sa isang subfolder hindi namin ma-access ito
  8. Bumalik sa Pinterest at i-click ang I-submit
  9. I-click ang Tapos na

Pagkatapos mong i-click ang Isumite, awtomatiko naming hahanapin ang meta tag at iki-claim ang iyong website. Kapag na-claim na ang iyong site, maaari mong alisin ang HTML tag o file. Maaalis lang ang pag-claim kapag gumawa ng mga pagbabago sa iyong website sa setting ng Pinterest mo.

Mga tagubilin para sa mga sikat na host ng website

Host Method Mga Dapat Gawin
Big Cartel Meta tag https://help.bigcartel.com/edit-your-theme-code
Big Commerce Meta tag https://support.bigcommerce.com/articles/Public/Advertising-with-Pinter…
Blogspot Meta tag https://blog.tailwindapp.com/pinterest-site-verification-a-step-by-step…
Bluehost HTML file https://my.bluehost.com/hosting/help/2237
FatCow HTML file http://www.fatcow.com/help/article/ftp-how-to-connect-using-file-manager
GoDaddy HTML file https://www.godaddy.com/help/upload-files-3239
HostGator HTML file https://support.hostgator.com/articles/cpanel/how-to-upload-a-file-usin…
HostMetro HTML file https://secure.hostmetro.com/billing/knowledgebase.php?action=displayar…
iPage HTML file http://members.ipage.com/knowledgebase/read_article.bml?kbid=7410
Prestashop Meta tag https://dh42.com/blog/free-prestashop-pinterest-verification-module/
StoreEnvy Meta tag https://support.storenvy.com/customer/portal/articles/1090698-how-do-i-…-
Shopify Meta tag or HTML file https://help.shopify.com/themes/customization/store/verify-domain-with-…
SiteGround HTML file https://www.siteground.com/tutorials/cpanel/file-manager/
Squarespace Connect accounts https://support.squarespace.com/hc/en-us/articles/206543577-Using-Pinte…
Tumblr Meta tag or HTML file https://tumblr.zendesk.com/hc/articles/230778847-Custom-HTML
Weebly Meta tag https://hc.weebly.com/hc/articles/202015948-Verify-Your-Site-with-Pinte…
Wix Meta tag https://support.wix.com/article/verifying-your-domain-with-pinterest
Wordpress Meta tag https://support.wordpress.com/webmaster-tools/#pinterest-site-verificat…
Zenfolio Meta tag https://www.zenfolio.com/z/help/support-center#/customer/portal/article…

 

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami