Ang carousel ay isang Pin na may maraming larawan. Ang mga carousel ay magandang paraan para ipakita ang iba't ibang feature ng produkto, sabay-sabay na i-advertise ang maraming produkto o sabihin ang tungkol sa iyong board sa mga chapter.
Nakikita ng mga tao ang carousel sa kanilang home feed tulad ng iba pang Pin. Pwede silang direktang mag-swipe sa iba't ibang larawan (o mga card) mula sa feed. O, puwede silang mag-tap sa Carousel at mag-swipe sa bawa't card at katumbas na site nito, nagsu-swipe sa iba't ibang landing page. Kapag mayroong nag-save ng Carousel, ise-save nila ang buong Pin kasama ang lahat ng card na naroon.
Gumawa ng carousel
Ang sinumang may account ng negosyo na nasa ad market ay puwedeng gumawa ng Carousel.
- Mula sa iyong Account ng negosyo sa Pinterest , i-click ang Mga Ad sa kaliwang sulok sa itaas at piliin ang Gumawa ng ad
- Pumili ng Layunin ng campaign at idagdag ang iyong Mga detalye ng campaign (pangalan ng campaign at araw-araw at pang-habang buhay na limitasyon sa gastusin o iwanang blangko ang field kung ayaw mong i-promote ang carousel)
- I-click ang Magpatuloy
- Idagdag ang iyong Mga detalye ng grupo ng ad, Pag-target at Bid (kung pino-promote mo ito)
- Sa Mga Ad sa ibaba, i-click icon na filter sa kanan ng bar sa paghahanap at piliin ang Carousel
- Ang mga ipinapakitang Pin sa tab na “Lahat ng Pin” ay eligible na gamitin sa Carousel
- I-click ang Gumawa ng Carousel
- Puwede mo ring piliin ang carousel na nagawa mo na
- Mag-upload o pumili ng 2-5 larawan para sa iyong Carousel sa ayos na gusto mong lumabas ang mga ito
- Sa oras na ito ang mga static na larawan lang ang puwedeng gamitin sa Carousel, at ang aspect ratio ay dapat alinman sa1:1 (parisukat) o 2:3 (patayo)
- Magdagdag ng pamagat, paglalarawan at destination URL
- Kung gusto mong magkaroon ng iba't ibang paglalarawan ang card, i-off ang “Gamitin ang Text sa lahat”
- Ang bawat card ay puwedeng i-link sa pareho o iba't ibang webpage
- Pumili ng board para sa carousel
- I-click ang Suriin ang Ad
Tandaan: Kung ipo-promote mo ang Carousel, ang mga singil para sa mga impression ng Pin ay magiging isang entity, hindi kada swipe. Ang pagre-report ay kakatawan sa Pin bilang isa at hindi ipapakita ang pakikipag-ugnayan sa bawa't card.
Gumawa ng carousel gamit ang Bulk Editor
- Mula sa iyong Account ng negosyo sa Pinterest, i-click ang Mga Ad sa kaliwang sulok sa itaas at piliin ang Bulk editor
- I-click ang I-download ang sample sheet
- Ilagay ang CAROUSEL bilang uri ng creative
- I-click ang Pumili ng mga larawan at magdagdag ng 2-5 larawan para sa iyong carousel
- Punan ang kinakailangang mga partikular na field ng Carousel: Pangalan ng file ng larawan, pamagat, paglalarawan, URL ng organic Pin, at destination URL
- Huwag punan ang mga column na Mga Ad
- I-click ang Proseso