Kapag nakagawa ka na at nakapag-save ng custom na reporting table, maaari mong ma-access ang buong page ng "Mga setting ng table", nang may mas maraming opsyon sa pag-customize.
Gumawa o mag-edit ng custom na table
- Mag-log in sa iyong Pinterest business account sa iyong computer
- I-click ang Mga Ad sa kaliwang sulok sa itaas
- I-click ang Reporting
- I-click ang dropdown ng Table sa kanang sulok sa itaas ng reporting table
- I-click ang sa tabi ng isang custom na reporting table para i-edit ang table na iyon o gumawa ng bagong table
- Mula sa page na "Mga setting ng table", i-click nag + Bagong custom na table para gumawa o mag-duplicate ng table
- Para gumawa ng bagong table, i-click ang Gumawa ng bagong custom na table pagkatapos ay ilagay ang pangalan ng table at pumili ng setup ng column
- Para i-duplicate ang dati nang table, i-click ang I-duplicate ang dati nang table pagkatapos ay piliin ang dati nang table mula sa dropdown menu at ilagay ang pangalan para sa bagong table
- I-click ang Gumawa ng bagong table
- Lagyan ng check sa tabi ng “I-set bilang default na reporting table” para makita ang data na ito sa tuwing bubuksan mo ang iyong reporting page
- Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng “I-save ang table sa ad account” para payagan ang iba pang mga user na may access sa account na gamitin ang table na ito
- I-click ang mga checkbox para piliin ang mga column para sa iyong custom na table
- Isinasaad ng mga tuldok na kulay abo kung aling mga column ang magagamit para sa mga campaign, grupo ng ad at mga ad
- Gamitin ang bar sa paghahanap para i-filter ang listahan ng mga column na nakikita mo
- Para baguhin ang ayos ng mga column sa iyong table, i-click ang dropdown menu sa ilalim ng “Ayusin ang mga piniling column” para makita ang mga column sa campaign, grupo ng ad, grupo ng produkto o mga level ng keyword
- Maaari mong i-drag at i-drop ang mga column sa bawat isa sa mga level na ito para baguhin ang ayos ng mga ito
- I-click ang I-save ang mga pagbabago
Para tingnan ang data sa iyong custom na table, piliin ang pangalan nito mula sa dropdown menu ng Table sa kanang itaas ng reporting table.
I-export ang custom na table
Para i-download ang eksaktong view na nakikita mo sa iyong reporting table, i-click ang I-export at piliin ang Report: kasalukuyang table view.