Gumagamit ang Pag-target sa Performance+ ng mga visual signal mula sa iyong ad para mapalawak ang iyong pag-target at maabot ang mga karagdagang tao sa Pinterest na maaaring interesado sa o naghahanap ng mga may kaugnayang ideya. Available ang Pag-target sa Performance+ para sa lahat ng uri at layunin ng campaign at maaari kang makakita ng mga paghusay ng resulta sa naaabot, rate ng mga pag-click at kabuuang gastos.
Halimbawa, ang isang kumpanya ng meryenda ay maaaring mag-target ng mga paksa na tulad ng "mga recipe" at "meryenda" pero hindi nila iniisip ang pag-target sa "mga road trip". Kung hindi pipiliin ng kumpanya ang "mga road trip", ipapakita ng Pag-target sa Performance+ ang kanilang mga ad sa mga taong interesado sa o naghahanap ng mga may kaugnayang ideya.
Kung nagpaplano kang gumamit ng Pag-target sa Performance+ bilang karagdagan sa iba pang uri ng pag-target, maaari mong pag-isipan kung paano sila makikipag-interact.
Ang potensyal na laki ng iyong audience ay batay sa lahat ng pamantayan sa pag-target na pipiliin mo at madaragdgan ang kabuuang laki ng iyong audience kapag naka-on ang Pag-target sa Performance+.
Gayunpaman, ang Pag-target sa Performance+ ay may kaugnayan sa mga interes at pag-target ng keyword at hindi ito makakaapekto sa iyong iba pang parameter sa pag-target gaya ng lokasyon, kasarian, wika, paglalagay o pag-target ng edad. Halimbawa, kung tina-target mo lang ang kababaihan sa Estados Unidos at pinalawak mo ang pag-target, hindi mae-expand ang pag-target sa ibang audience na bukod dito.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung paano maaaring makaapekto ang Pag-target sa Performance+ sa potensyal na laki ng iyong audience.
Mga uri ng pag-target | Inaasahang pag-uugali | Epekto ng naabot |
---|---|---|
Pag-target sa Performance+ lang (walang interes, keyword, o audience) | Abutin ang mga tao gamit ang mga visual at nakasulat na signal mula sa iyong ad, nang hindi nangangailangan ng mga interes/keyword. | Mataas na potensyonal na maaabot – kabuuang MAU sa bansang pinili. |
Pag-target sa Performance+ + ilang keyword at/o interes | Abutin ang mga taong interesado sa, naghahanap ng o nakikipag-ugnayan sa isang paksa. Ang Pag-target sa Performance+ ay nagdaragdag ng mga visual na signal mula sa ad bilang karagdagan sa mga napiling interes at keyword. | Nadaragdagan ang posibleng maabot nang lampas sa mga keyword ng input + interes. |
Pag-target sa Performance+ + mga audience | Abutin ang mga tao na nasa isang audience (listahan ng customer, bisita sa site, pakikipag-ugnayan, actalike o Persona). | Ang Pag-target sa Performance+ ay hindi nakakaapekto sa mga listahan ng audience – ang pag-on nito ay hindi nangangahulugang mae-expand ang pag-target sa iba pang audience na bukod sa nasa listahan. |
Walang Pag-target sa Performance+ (wala ring interes, keyword, o audience) | Maabot ang sinumang User sa platform. | Mataas na potensyonal na maaabot – kabuuang MAU sa bansang pinili. |
Naka-on ang Pag-target sa Performance+ bilang default para sa mga bagong campaign sa Ads Manager, pero maaari mo itong i-off sa anumang oras.
- Ilagay ang OO para i-on ang Pag-target sa Performance+
- Ilagay ang HINDI para i-disable ang Pag-target sa Performance+
Alamin kung paano
Ang metrics para sa Pag-target sa Performance+ ay nakalista sa reporting table kasama ng iba pang resulta ng campaign mo. Ang mga resultang gumagamit ng Pag-target sa Performance+ ay may label (Awtomatiko) sa table.
Kung gusto mong mag-set up ng maraming iba't ibang mga uri ng pag-target sa Pinterest o i-edit ang kasalukuyang pag-target ng campaign, maaari mong alamin pa sa aming article na