Pagkatapos gumawa ng campaign at grupo ng ad sa Ads Manager, pipili ka ng mga Pin para i-promote. Ipapakita ang mga ad na ito sa iyong tina-target na audience sa Pinterest. Makakagawa ka ng mga bagong Pin o i-promote ang mga Pin na dati mong na-save. Kung gusto mong i-promote ang Pin mula sa board ng grupo, kakailanganin mong i-save ito sa isa sa iyong sariling mga board bago ito i-promote.
Gumawa ng mga ad
Puwede kang mag-promote ng Pin sa isang bagong campaign o mula sa dati nang campaign.
Layunin at pagiging available ng format ng ad
Tandaan na ang ilang format ng ad ay available lang para sa ilang layunin ng campaign. Puwede mong makita ang kumpletong listahan ng mga available na format ng ad ayon sa layunin sa ibaba.
Layunin ng campaign | Mga opsyon para sa format |
---|---|
Kamalayan sa brand |
|
Traffic |
|
Pag-install ng app |
|
Conversions |
|
Para tulungan kang magdesisyon sa kung aling mga Pin ang ipo-promote, alamin pa ang tungkol sa aming mga detalye ng produkto.
I-preview ang iyong mga ad
Kung gumagawa ka ng isang ad gamit ang Ads Manager, puwede kang magpadala ng preview ng ad sa iyong mobile device. Kakailanganin mo ang iyong computer at mobile device na mayroong pinakabagong bersyon ng Pinterest app.