Mag-promote ng Pin mula sa iyong profile

Kung gusto mong magdala ng mas maraming traffic sa iyong website, pwede mong i-bypass ang Ads Manager at pag-edit ng bultuhan at madaling i-promote ang isang Pin mula mismo sa iyong profile.

Mabilis na i-promote ang isang Pin

  1. Kapag naka-log in ka sa iyong Pinterest business account, mag-click sa litrato mo sa profile sa kanang itaas at piliin ang Profile

  2. Hanapin at mag-hover sa Pin na gusto mong i-promote at i-click ang I-promote

    • Tandaan: Mga Pin na eligible lang para sa campaign ng pino-promote na Pin ang magkakaroon ng I-promote na button

  3. Tingnan ang Patutunguhang URL para tiyaking naka-link ang Page sa page na gusto mong magdala ng traffc at magdagdag ng anumang parameter ng url para i-track ang pinanggalingan ng iyong traffic

  4. Mag-set ng araw-araw na budget para sa iyong ad

  5. Piliin kung gusto mong tuloy-tuloy na tumakbo ang iyong ad o para sa ilang nakatakdang araw
  6. Idagdag ang iyong mga keyword para maabot ang mga tao habang naghahanap sila ng mga partikular na ideya sa Pinterest

    • Awtomatiko kaming magmumungkahi ng ilang keyword para sa iyo, pero pwede mong alisin ang anumang ayaw mo at magdagdag ng anumang mga karagdagang keyword na gusto mo

  7. I-click ang I-promote para tapusin ang paggawa ng iyong ad

Kapag na-click mo ang I-promote, susuriin namin ang iyong ad para matiyak na sinusunod nito ang aming mga alituntunin sa pag-a-advertise. Maaaring tumagal nang hanggang 24 na oras ang prosesong ito.

Magsisimula kang makakita ng metrics para sa iyong traffic campaign sa Ads Manager pagkatapos suriin at aprubahan ang iyong ad. Maaari kang lumipat sa ‘bawat oras’ na view sa Ads Manager para makita ang pinakabagong metrics para sa bagong campaign.

Mga Limitasyon

Hindi mo pwedeng piliin ang iyong bid kapag gumagawa ng ad mula sa iyong profile. Ang halagang babayaran mo bawat click ay awtomatikong kakalkulahin batay sa iyong mga napiling keyword. Sa pangkalahatan, mas sikat ang mga keyword, mas mataas ang bid.  Kung gusto mong mag-set ng mga mano-manong bid, gumawa ng ad campaign sa pamamagitan ng Ads Manager.

Ang mga campaign na ginawa gamit ang feature na quick promote ay awtomatikong ide-default para i-target ang lahat ng kasarian, device at lokasyon sa loob ng iyong bansa para matulungan ang iyong ad na makakuha ng pinakamaraming maaabot. Kung gusto mong i-refine ang pag-target na ito, i-edit ang campaign sa Ads Manager.

Para sa mas advanced na mga tool sa paggawa ng ad, gamitin ang Ads Manager o ang pag-edit ng bultuhan.

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami