Mukhang hindi available sa iyong lugar ang Programa ng Na-verify na Merchant. Alamin pa

Ang Programa ng Na-verify na Merchant (o VMP) ay tinutulungan ang mga tao sa Pinterest na tumuklas at bumili mula sa mga nasuring brand. Bilang na-verify na merchant, maaaring lumabas ang iyong mga Pin nang walang bayad sa mga taong naghahanap ng mga produkto at namimili sa Pinterest. Maaari ka ring makakuha ng exclusive access sa mga feature, tulad ng mga detalye ng merchant, para maipakita mo ang mga pagpapahalaga at mga komunidad na kinakatawan ng iyong brand.

Puwede mong tingnan ang status ng iyong application anumang oras sa iyong Business hub.

Mga benepisyo ng na-verify na merchant
  • Ang pagiging karadapat-dapat para sa distribution ng iyong mga produkto sa aming mga karanasan sa pamimili
  • Asul na checkmark sa iyong profile at mga Pin na nagpapaalam sa mga tao sa Pinterest na nasuri ka na
  • Pagiging kwalipikado para sa mga eksklusibong feature tulad ng mga detalye ng merchant
  • Impormasyon ng presyo at pagiging available sa lahat ng Pin ng iyong produkto
  • I-check ang iyong pagiging kwalipikado

    Bago ka magsimula sa mga kinakailangan, tiyaking kwalipikado ang iyong Pinterest account at website sa pamamagitan ng pagkumpirma sa sumusunod:

  • Dapat hindi bababa sa tatlong buwan na ang nakalipas mula nang ginawa mo ang iyong Pinterest account.
  • Dapat i-claim ang website ng iyong negosyo at ginawa nang hindi bababa sa 13 buwan na ang nakalipas.
  • Ang iyong Pinterest profile ay dapat may litrato sa profile, at nakumpletong seksyong "Tungkol dito”.
  • Dapat matugunan ng iyong mga produkto at website ang aming Mga alituntunin na dapat sundin ng merchant. Susuriin namin ang iyong website at mga produkto kapag na-upload mo na ang iyong catalog. Kung hindi mo natutugunan ang mga alituntuning ito, aabisuhan ka sa iyong Business Hub kung saan puwede mo ring iapela ang desisyong ito.
  • Kung hindi natutugunan ng iyong Pinterest account at website ang mga pamantayang ito, hindi ka makakasali sa VMP.

    Mga Kinakailangan

    Kapag nakumpirma mo na kwalipikado ang iyong Pinterest account at website, sundin ang mga kinakailangan sa ibaba para sumali sa VMP.

    1. Ikonekta ang iyong catalog

    Ilagay ang lahat ng iyong produkto sa Pinterest sa pamamagitan ng pagkonekta ng iyong catalog. Kapag nakakonekta na, magkakaroon ang iyong mga Pin ng produkto ng pinaka-update-to-date na impormasyon sa presyo at produkto. Kailangang matagumpay na ma-ingest ang hindi bababa sa 50% ng iyong mga produkto. Kung hindi matagumpay na na-ingest ang iyong mga produkto, tingnan ang Seksyon na Catalogs ng Ads Manager para tingnan at ayusin ang mga isyu.

    Tandaan: Titingnan namin ang kalagayan ng iyong mga feed sa mga market kung saan available ang VMP.

    Kung ayaw mong ikonekta ang iyong catalog, puwede kang makipag-partner sa isang e-commerce site.

    2. Mag-set up ng pinagmulan ng conversion

    Mag-set up ng pinagmulan ng conversion para masukat ang epekto ng Pinterest sa iyong negosyo. Mayroon kang opsyon na i-install ang Pinterest tag, gamitin ang Pinterest API para sa mga conversion, o mag-upload ng mga conversion file.

    Kung magse-set up ka ng pinagmulan ng conversion, kailangan itong mai-set up para masubaybayan nito ang mahahalagang conversion event at makakuha ng mataas na kalidad na data sa mga event na may kaugnayan sa pamimili. Para isama sa VMP, pakitiyak na ipinadala ng iyong data ng conversion ang mga sumusunod sa nakalipas na 30 araw:

  • Kahit isang event na pagbisita sa page lang
  • Kahit isang event na idagdag sa cart lang
  • Kahit isang event na pag-checkout lang
  • May currency ang mga event na pag-checkout
  • Para tingnan kung aling mga conversion event ang na-track ng iyong pinagmulan ng conversion, tingnan ang overview ng history ng event sa Ads Manager.

    Mga dahilan para sa pagsuspinde mula sa programa

    Dapat mong matugunan ang lahat ng kinakailangan sa itaas para manatili sa VMP. Kung hindi mo ito magagawa sa anumang punto, sususpindihin ka mula sa VMP. Sinusubaybayan din namin ang kalidad ng karanasan sa pamimili habang ikaw ay nasa programa. Kung may makikita kaming napakaraming report ng user sa iyong mga Pin ng produkto at/o shop, maaari ka ring masuspinde. Kung sinuspinde ka, aalertuhan ka sa iyong Business hub pati na rin sa pamamagitan ng email. Kapag naalertuhan ka na, mayroon kang 30 araw para ayusin ang anumang hindi pa naaayos na isyu. Kung maayos mo ang mga isyu sa loob ng 30 araw na ito, awtomatiko kang ie-enroll muli sa programa. Kung hindi naayos ang mga isyu sa loob ng 30 araw na ito, maaari kang suspindihin. Ang mga pagbabago sa iyong pagiging kwalipikado ay puwedeng umabot nang hanggang 24 na oras para maipakita sa aming system.

    Handa nang maging na-verify na merchant?

    Kung isa kang merchant sa Australia, Austria, Brazil, Canada, France, Germany, Italy, Mexico, Netherlands, Spain, Switzerland, UK, o US, mag-apply para sumali sa Programa ng Na-verify na Merchant.

    Kung wala ka sa mga bansang ito, manatiling nakatutok! Ia-announce namin kapag available na ang Programa ng Na-verify na Merchant sa mga karagdagang bansa.

    End of Other articles Links
    User feedback
    Nakatulong ba ang article na ito?

    collection_fields

    Paano namin mapapaganda ang article na ito?