Website analytics

Upang tingnan ang iyong website analytics, i-click ang Activity mula sa iyong website sa taas ng Pinterest Analytics. Kung hindi mo makita ang opsyon na ito, i-claim mo muna ang iyong website.

Makikita mo ang lahat ng metrics bilang pang-araw-araw na average. Gamitin ang data picker upang makita ang data para sa mga partikular na panahon, at ang menu na "Lahat ng apps" upang i-filter ang data ng profile gamit ang device. I-click ang I-export ang data upang i-export ang iyong data bilang CSV file.

Hanapin ang pinaka-sikat na content sa iyong website.

Makakakita ka ng mga impression, mga na-save at mga pag-click para sa Mga Pins na nagli-link pabalik sa iyong site gamit ang pang-araw-araw na average. Gamitin ang data picker upang makita ang data para sa mga partikular na panahon. Kung mayroon kang Save buttons sa iyong website, maaari mong makita kung paano ito nakakaapekto iyong presence sa Pinterest.

Ang mga impressions ay ang dami ng beses na ang isang Pin mula sa iyong profile ay lumitaw sa mga feed sa Pinterest, mga feed ng kategorya at sa paghahanap.

Ang Mga Na-Save ay ang dami ng beses na nai-save ng tao ang iyong Pin sa isa sa kanilang mga board. Ito ang paraan kung paano matutuklasan ng mga tao ang iyong nilalaman sa Pinterest.

Ang mga pag-click ay nagpapakita ng dami ng beses ng pag-click sa iyong mga Pin sa profile.

Ang Original Pins ay mga unang Pins na nilikha mula sa iyong website gamit ang button na I-save, ang extension namin sa browser, o isa-isang pag-upload ng Pin. Makikita mo muna ito bilang pang-araw-araw na average, pero puwede ring gamitin ang graph para tumingin sa partikular na panahon.

Ang All-time ay may iba't ibang sukatan na nakabatay sa simula ng iyong Pinterest account, kabilang ang:

  • Ang iyong pinakana-save na Pin
  • Ang iyong pinaka-mataas na rank sa search na Pin
  • Ang Power Pin ay mga Pin na may pinaka-mataas na pakikipag-ugnayan sa mga tao gamit ang kumbinasyon ng mga sine-save, mga komento, mga nagpapadala at higit pa

Kung mayroon kang button na I-save sa iyong website, malalaman mo kung paano ito nakakaapekto sa iyong presence sa Pinterest. Ang dalawang graphs dito ay nagpapakita kung paano magdala ng traffic ang button na I-save sa iyong website.
 
Ipinapakita ng unang graph ang bilang ng page visits na nagmula sa button na I-save sa loob ng 24 na oras. Makikita mo kung ilang beses na na-click ang button na I-save at ilang beses itong ginamit upang gumawa ng Pin. Ipinapakita sa iyo ng ikalawang graph ang mga impression, mga na-save, at pag-click para sa Mga Pins na ginawa gamit ang button na I-save. Ang impormasyon na ito ay mula sa partikular na linggo, lahat mula sa Mga Pins na nilikha mula sa unang araw galing sa unang graph.

Kung hindi ka nakakakita ng anumang data,i-install ang button na I-save.

Sa pamamagitan ng pagtingin sa data tungkol sa mga Pins na na-save at na-click ng pinaka-maraming beses, matutuklasan mo kung saan interesado ang mga tao. Magpatuloy sa pag-save ng mga Pins na nakahanay sa mga interes na ito upang panatilihing interesado at maka-abot pa ng ibang tao sa Pinterest.

Alamin kung paano gamitin ang insights ng Pinterest Analytics sa aming business blog. 

Kailangan pa rin ng tulong?
Kontakin kami