Bilang paalala, kung hawak ng Pinterest ang iyong personal na data at ikaw ay nasa EU at Canada, maaaring mayroon kang ilang karapatan na may kaugnayan sa pagproseso ng data na iyon batay sa mga batas ng iyong bansa.Ito ang page para magsumite ng form sa Data Protection Officer ng Pinterest.Ang form na ito ay nagsisilbi lang na daan para makontak mo kami kaugnay sa lahat ng mga isyu na may kaugnayan sa pagproseso ng iyong personal na data at sa paggamit ng ilang karapatan na iyon.Ang mga tanong na walang kaugnayan dito ay hindi makakatanggap ng tugon sa pagsumite ng form na ito.

May iba pang paraan para makakuha ng tulong mula sa Pinterset para sa ilang karaniwang tanong na may kaugnayan sa mga karapatang iyon. Naglista kami ng ilang paraan na ito rito:

Ang iyong karapatang ma-access ang impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo

Kung gusto mong humiling ng access sa impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo, mangyaring kontakin kami.

Ang iyong karapatan na itama o i-delete ang iyong impormasyon

Puwede mong i-update ang iyong impormasyon sa mga setting ng account mo.  Kung may problema ka sa pag-update ng impormasyon o gusto mong i-delete namin ito, kontakin kami  at gagawin namin ito sa lalong madaling panahon. Kung gusto mong permanenteng isara ang account mo, puwede mong sundin ang mga instruksyong ito.

Ang iyong karapatan na tumutol sa amin sa pagproseso ng iyong impormasyon

Maaari mong hilingin sa aming itigil ang pagproseso ng iyong impormasyon, kahit na kinakailangan ang pagproseso para sa aming mga lehitimong interes, kabilang ang pag-profile na ginagawa namin para ma-customize ang content na ipinapakita namin sa iyo.

Puwede kang mag-unsubscribe mula sa aming mga pang-marketing na email sa pamamagitan ng pagsunod sa mga instruksyon na ito. Pakitandaan na kung mag-o-opt out kang tumanggap ng mga pang-marketing na mensahe mula sa amin, puwede ka pa rin namin padalhan ng mga update tungkol sa iyong account, tulad ng kapag nagkomento ang isa pang tao sa isa sa iyong mga Pin, at mga newsletter.

Ang iyong karapatang ipadala ang impormasyon mo sa ibang organisasyon

Sa ilang pangyayari ay maaari mong hilingin sa aming bigyan ka ng iyong impormasyon.Kung saan kami nagpapanatili ng impormasyon nang may pahintulot mo o para sa paggawa ng kontrata sa iyo at na teknikal na magagawa, maaari mo ring hilingin sa aming ipadala ang impormasyon sa ibang organisasyon.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang bagay na hindi binanggit sa itaas, pakipunan ang mga field na nasa ibaba at ipadala sa amin ang iyong tanong.

Mangyaring ilarawan nang maikli ang iyong tanong. Mangyaring sabihin din ang iyong kaugnayan sa Pinterest (halimbawa, ikaw ay isang Pinner, advertiser o regulator).
Ikaw ay mamamayan ng EEA Member State o nakikipag-ugnayan sa DPO sa ngalan ng isang nangangasiwang awtoridad?