Mayroong matibay na internal sistema ang Pinterest para sa pangangasiwa ng mga reklamo mula sa aming mga European Business User tungkol sa aming pagsunod sa Regulasyon ng Negosyo sa European Platform (2019/1150). Ang sistemang ito ay madaling ma-access at walang bayad, at tinutugunan namin kaagad ang lahat ng reklamo at batay sa mga prinsipyo ng transparency at patas na pagtrato na ginagamit sa mga katumbas na sitwasyon.
Kung sinuspinde ang iyong account, o kung ang access sa iyong content ay nilimitahan ng Pinterest, at gusto mong iapela ang aksyong ito, mangyaring magsumite ng apela. Puwede kang magsumite ng apela gamit ang proseso na nakasaad sa email na ipinadala namin para ipaalam sa iyo ang pagphihigpit. Tinatrato namin ang lahat ng reklamo sa isang paraang proporsyonal sa kahalagahan at pagiging kumplikado ng mga ito, at kung babawiin namin ang paghihigpit o pagsuspinde, ibabalik namin ang apektadong content nang walang antala.
Kung mayroon kang mga teknikal na isyu na nakakahadlang sa iyong access sa o paggamit ng Pinterest, mangyaring
Handang makipag-ugnayan ang Pinterest sa mediation sa mga European Business User sa pamamagitan ng mga sumusunod na organisasyon:
Kung mayroon kang Account ng Negosyo at nakatira ka sa E.U. o U.K., at mayroon kang mga tanong o alalahanin tungkol sa pagsunod ng Pinterest sa Regulasyon 2019/1150, mangyaring
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming internal na sistema sa pangangasiwa ng reklamo sa ilalim ng regulasyong ito, makikita mo