Tumutulong ang pag-target ng lokasyon na maipakita ang iyong ad sa mga tao sa isang partikular na heograpikong lokasyon. Maaari kang mag-target ayon sa bansa, rehiyon, metro area, postal code, o designated market area (DMA). Inirerekomenda namin ang pagpili ng mga ita-target na lokasyon batay sa mga lugar kung saan nakatira ang mga customer mo at kung saan sila mapaglilingkuran ng iyong negosyo.
Tandaan: Ang default na lokasyon na ginamit sa Ads Manager ay ang bansa ng iyong negosyo. Halimbawa, ang mga negosyo sa US ay ide-default sa pag-target sa mga taong matatagpuan sa Estados Unidos.
- I-click ang Mga Bansa, rehiyon, at mga lungsod para magdagdag ng mas malaking heograpikong lokasyon
- I-click ang Mga Postal code para magdagdag ng mga partikular na lungsod at bayan
- Kapag naglalagay ng mga Japanese na postal code, gamitin ang format na: [JP:941-0000]
Kung interesado ka sa pag-target ng mga partikular na lokasyon batay sa mga media market,puwede kang gumamit ng DMA o designated market area na pag-target. Ang ganitong uri ng pag-target ay available lamang sa US at UK. Sa US, mayroong 210 metro na nai-mapa sa depinisyon ng DMA ng Nielsen. Sa UK, mayroong 15 ITV metro na nai-mapa sa depinisyon ng ITV ng mga panrehiyon na lokasyon sa pag-broadcast.
Kung gusto mong magdagdag ng DMA na pag-target, piliin ang Pumili ng mga partikular na lokasyon sa ilalim ng Mga Lokasyon. Pagkatapos ay mag-click sa Mga Bansa, rehiyon at metro. I-click ang icon ng kanang caret sa tabi ng alinman sa U.S. o United Kingdom, pagkatapos ay i-click ang ang icon ng kanang caret sa tabi ng Metro para piliin ang mga metro na nais mong i-target.
Kapag ni-launch mo ang iyong campaign, susuriin namin ito para matiyak na sumusunod ito sa aming
Kung ang iyong pag-target ng campaign ay lumalabag sa aming mga alituntunin sa pag-a-advertise, magpapadala kami sa iyo ng notification sa
Kung gusto mong mag-set up ng maraming iba't ibang mga uri ng pag-target sa Pinterest o i-edit ang kasalukuyang pag-target ng campaign, maaari mong alamin pa sa aming article na