Ang pinalawak na pag-target ay gumagamit ng mga signal mula sa iyong ad para mapalawak ang iyong pag-target at maabot ang mga karagdagang tao sa Pinterest na maaaring interesado sa o naghahanap ng mga makabuluhang ideya. Available ang pinalawak na Pag-target ay available para sa lahat ng uri at layunin ng campaign at maaari kang makakita ng mga pagpapahusay sa naaabot, bilang ng mga pag-click at kabuuang gastos.
Halimbawa, ang isang kumpanya ng meryenda ay maaaring mag-target ng mga paksa na tulad ng "mga recipe" at "meryenda" pero hindi iniisip ang pag-target sa "mga road trip". Kung hindi pipiliin ng kumpanya ang "mga road trip", ang pinalawak na pag-target ay ilalagay ang kanilang mga ad sa harap ng mga taong interesado sa o naghahanap ng mga may kaugnayang ideya.
Kung nagpaplano kang gumamit ng pinalawak na pag-target bilang karagdagan sa iba pang mga uri ng pag-target, maaaring gustuhin mong pag-isipan kung paano sila makikipag-ugnayan.
Ang iyong posibleng laki ng audience ay batay sa lahat ng pamantayan sa pag-target na pipiliin mo at madaragdgan ang kabuuang laki ng iyong audience kapag naka-on ang pinalawak na pag-target.
Gayunpaman, ang pinalawak na pag-target ay may kaugnayan sa mga interes at pag-target ng keyword at hindi makakaapekto sa iyong iba pang mga parameter sa pag-target tulad ng lokasyon, kasarian, wika, paglalagyan o pag-target ng edad. Halimbawa, kung tina-target mo lang ang kababaihan sa Estados Unidos, ang pinalawak na pag-target ay hindi palalawakin sa audience na ito.
Nasa ibaba ang mga halimbawa ng kung paano maaaring makaapekto ang pinalawak na pag-target sa iyong posibleng laki ng audience.
Mga uri ng pag-target | Inaasahang pag-uugali | Epekto ng naabot |
---|---|---|
Pinalawak na pag-target lamang (walang mga interes, keyword, o mga audience) | Maabot ang mga taong gumagamit lng ng visual at nakasulat na mga signal mula sa iyong ad. | Mataas na potensyonal na maaabot – kabuuang MAU sa bansang pinili. |
Pinalawak na pag-target + ilang keyword at/o mga interes | Abutin ang mga taong interesado, naghahanap o nakikipag-ugnayan sa isang paksa. Ang pinalawak na pag-target ay nagdaragdag ng visual at berbal na signal mula sa ad bilang karagdagan sa mga napiling interes at keyword. | Nadaragdagan ang posibleng maabot nang lampas sa mga keyword ng input + interes. |
Pinalawak na pag-target + mga audience | Abutin ang mga tao na nasa isang audience (listahan ng customer, bisita sa site, pakikipag-ugnayan, o actalike). | Ang pinalawak na pag-target ay hindi nakakaapekto sa mga listahan ng audience – kapag naka-on ito, hindi nito mapapalawak ang audience nang lampas sa listahan. |
Walang pinalawak na pag-target (walang mga interes, keyword, o mga audience) | Maabot ang sinumang User sa platform. | Mataas na potensyonal na maaabot – kabuuang MAU sa bansang pinili. |
Tandaan: Ang pinalawak na pag-target ay naka-on bilang default sa Ads Manager, pero maaari mo itong i-off anumang oras.
- Ilagay ang OO para i-switch sa on ang pinalawak na pag-target
- Ilagay ang HINDI para i-disable ang pinalawak na pag-target
Alamin kung paano
Ang metrics para sa pinalawak na pag-target ay nakalista sa reporting table kasama ng iba mong mga resulta ng campaign. Ang mga resultang gumagamit ng pinalawak na pag-target ay may label (Awtomatiko) sa table.
Kung gusto mong mag-set up ng maraming iba't ibang mga uri ng pag-target sa Pinterest o i-edit ang kasalukuyang pag-target ng campaign, maaari mong alamin pa sa aming article na